Home NATIONWIDE Fire Safety Officer arestado sa ‘BFP position for sale’

Fire Safety Officer arestado sa ‘BFP position for sale’

MANILA, Philippines – Mahaharap sa patong-patong na kaso ang isang Fire Safety Officer dahil sa pangingikil ng mga aplikante para maging opisyal ng Bureau of Fire Protection (PRC).

Ito ay makaraang arestuhin ng National Bureau of Investigation – Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) si Insp. Roy Sanguesa Mat Castro, Chief Fire Safety Enforcement Section ng BFP.

Mga kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Direct Bribery at Grave Misconduct sa ilalim ng R.A. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) ang isasampanh kaso laban kay Castro.

Sinabi ni Santiago na nag-ugat ang operasyon mula sa isang reklamo laban kay Castro sa opisina ng NBI-CEVRO.

Ang complainant na si Rochelle Olinan Quimbo ay pangatlong beses nang aplikante para sa a third Fires Safety Officer na umanoy hinihingan ni Castro ng P400,000.00 upang mapasama ang kanyang pangalan sa pinal na listahan ng manunumoa bilang Fire Safety Officer.

Idinagdag pa ng complainant na si Castro ay pinuwersa siyang magbayad ng naturang halaga bilang “Pasasalamat” sa mga nakatataas matapos maipasa ang lahat ng proseso ng aplikasyon at napasama sa pinal na listahan ng nanumpa.

Matapos ipag-utos ni Santiago ang entrapment operation sa isang establisyimento sa Cebu City, si Castro ay naaresto habang tinatanggap ang bayad na P200,000. mula sa complainant.

Ihaharap si Castro inquest proceedings sa Ombudsman para sa nabanggit na mga paglabag.

Pinuri naman ni Santiago si CEVRO Regional Director Rennan Augustus Oliva at kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon na binigyang-diin na ang NBI sa ilalim ng kanyang lideraton ay walang humpay sa paghuli sa mga opisyal ng gobyerno na ginagamit ang kanilang posisyon para sa pansariling kapakanan at pinayuhan ang publiko na iulat sa NBI ang anumang impormasyon tungkol sa katiwalian. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)