Home HOME BANNER STORY Firework-related injuries umakyat na sa 443

Firework-related injuries umakyat na sa 443

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang pagkamatay dahil sa paputok na kinasasangkutan ng 38-anyos na lalaki mula Ilocos Region na nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman kasama ang iba pang mga indibidwal malapit sa storage ng mga paputok.

Kasabay nito, sinabi ng DOH na kabuuang 443 na ang naitalang sugatan dahil sa paputok at ligaw na bala kabilang ang 212 na iniulat sa pagsisimula ng taon, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sa huling survellaince report ng DOH, nagpapakita na sa 212 bagong kaso, ang 206 sugatan ay nangyari sa bahay at sa mga lansangan.

Halos kalahati sa mga ito o 102 ng mga kaso ay dahil sa legal na paputok na mayroon lamang 94 na aktibong pagkakasangkot.

Iniulat din ang unang kaso ng stray bullet injury sa isang 23 taong gulang mula Davao Region na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang bahagi ng likod.

Noong Lunes, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na dalawang katao ang nasawi dahil sa mga insidente ng paputok at ligaw na bala matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Nasa edad mula 1 hanggang 71 ang mga bagong kaso ng firework-related injuries. Karamihan sa kanila ay lalaki na nasa 166 kaso.

Mayroon ding anim na bagong amputation cases na nagdala sa kabuuang 17.

Kabuuang 122 indibidwal ang nagtamo ng eye injuries na may isang pasyente na nabulag. Isa pa ang nawalan ng pandinig na nagdala sa kabuuan na dalawa.

Ayon pa sa DOH, sa ngayon ay wala pang naitatalang panibagong kaso ng ingestion.

Sa kabuuan, 441 sa 443 na pinsalang naitala mula Disyembre 21 hanggang Enero 2 ay dahil sa paputok, isa ay dahil sa paglunok ng Watusi at isa ay dahil sa ligaw na bala.

Mula sa National Capital Region ang karamihan sa mga ito na nasa 254 kaso.

Sinundan ng Ilocos Region (36 kaso), Cagayan Valley (35 kaso), at Calabarzon (29 kaso).

Siyamnapu’t pitong porsyento ng mga pinsala ay nangyari din sa bahay at sa mga lansangan,k aramihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok.

Ang mga paputok na nagdulot ng hindi bababa sa pito sa bawat 10 pinsala ay kwitis, 5-star, boga, pla-pla, whistle bomb, fountain, luces, piccolo, at triangle. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagsasabatas sa College of Medicine programs sa 4 SU, ikinagalak ni Bong Go
Next articleHigit 500 OFW na naipit sa Israel-Hamas war napauwi ng PH gov’t