Home NATIONWIDE Higit 500 OFW na naipit sa Israel-Hamas war napauwi ng PH gov’t

Higit 500 OFW na naipit sa Israel-Hamas war napauwi ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Mahigit 500 Pilipino na ang napauwi sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Cacdac na ang mga napauwing OFWs ay mula Israel at Lebanon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Aniya, kabuuang 555 ang repatriated OFWs.

Sinabi pa ni Cacdac na katuwang sa operasyon ang departments of  Foreign Affairs, Health, Social Welfare and Development, Labor and Employment, gayundin ang Technical Education and Skills Development Authority.

Nais ng DMW na mas marami pang Pilipino ang mapauwi mula Israel.

Ang mga napauwing Pilipino mula Israel ay binibigyan ng financial assistance mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Nagbibigay din aniya ang TESDA ng training commitment at training vouchers sa kahit anong accredited institution at kahit anong kurso ng TESDA.

“Merong tulong para sa pangmatagalang empleyo ang DOLE at DMW… para tulungan ang mga nanunumbalik na maghanap ng trabaho,” ani Cacdac. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleFirework-related injuries umakyat na sa 443
Next articleErwin Tulfo namayagpag sa 2025 senatorial survey ng OCTA