MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Biyernes ang mga establisimyento na sangkot sa pagmamanupaktura, pamamahagi, at pagbebenta ng pyrotechnics na mahigpit na sumunod sa occupational safety and health standards (OSH) upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa gitna ng Kapaskuhan.
Sa isang abiso, inatasan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang lahat ng DOLE regional directors na makipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at local government units (LGUs) para subaybayan ang pagsunod ng mga establisimyento sa OSH.
“Pursuant to the mandate of the Department to ensure a safe and healthful workplace for all workers, all establishments engaged in the manufacture, distribution, and sale of pyrotechnics are hereby reminded to strictly comply with Occupational Safety and Health Standards under Republic Act No. 11058,1 Department Order No. 198, Series of 2018,2 Department Order No. 134, Series of 2014,3 and other related issuances,” sabi ni Laguesma.
“All Regional Directors are hereby directed to monitor establishments’ compliance with the aforementioned and other related issuances to prevent workplace accidents under Department Order No. 238, Series of 2023,” dagdag pa niya.
Inatasan umano ni Laguesma ang mga regional director na magsumite ng listahan ng mga establisimyento sa ilalim ng kanilang monitoring hanggang Enero 10, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden