MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections chairman George Garcia na walang nuisance na kandidato ang mapupunta sa mga balota para sa 2025 midterm elections habang ang komisyon ay nagsisikap na lutasin ang mga kaso bago magsimula ang pag-imprenta.
Idineklara ng Comelec noong Nobyembre ang 117 aspirants para sa senador bilang mga nuisance candidate, o ang mga itinuring na sinusubukang tumakbo upang kutyain ang mga botohan o magdulot ng kalituhan sa mga botante.
Nauna nang sinabi ng Comelec na pinal na ang listahan ng 66 senatorial candidates ay nailabas noong nakaraang buwan pero may 155 Party-list groups sa balita matapos magpasya ang isang grupo na hindi na makilahok.
Samantala, sinabi ni Garcia na lumagda ng memorandum of agreement kasama si NBI Director Jaime Santiago upang maging mapayapa at maayos ang halalan.
Hinikayat din ni Santiago ang publiko na i-report ang vote-buying sa ahensya upang matugunan ang isyu.
Sinabi ni Garcia na nakipagtulungan rin ito sa e-wallet firms upang matugunan ang potensyal na vote-buying. Jocelyn Tabangcura-Domenden