Home HOME BANNER STORY First aid stations sa Traslacion, alamin!

First aid stations sa Traslacion, alamin!

MAYNILA – Naglagay ang Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross ng mga first aid at welfare station sa ruta ng Traslacion para magbigay ng suportang medikal sa milyun-milyong deboto na kalahok sa prusisyon sa Huwebes, Enero 9.

Ang DOH ay nagtalaga ng 201 mga tauhan ng Health Emergency Response Team mula sa 20 ospital sa Metro Manila, kabilang ang mga pasilidad tulad ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center at Tondo Medical Center, na handang humawak ng mas malalang mga medikal na kaso.

Nagtatag din ang DOH ng first aid areas sa:

-Quirino Grandstand
-Rizal Park
-SM Manila
-Ayala Bridge
-P. Casal
-Quinta Market

Samantala ang Philippine Red Cross ay nagtatag ng mga istasyon ng pangunang lunas sa mga pangunahing lokasyon, kabilang ang:

-Quirino Grandstand (sa South Drive malapit sa Museo Pambata and on Katigbak Drive near Manila Hotel)

-Roundtable (malapit sa pasukan ng Intramuros at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila)

-Finance Road (malapit sa National Museum sa harap ng Philippine Normal University)

-Ayala Bridge (sa San Marcelino Street at sa General Solano Street)

-Arlegui Street corner P. Casal Street

-San Rafael Street (malapit sa SM Manila)

-Quezon Boulevard (malapit sa Quiapo Church)

Ang Traslacion, na nagtatapos sa Enero 9, 2025, ay minarkahan ang pagtatapos ng 10 araw na pagdiriwang ng Pista ni Hesus Nazareno, kung saan milyon-milyon ang inaasahang sasama sa prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church. RNT