Home NATIONWIDE First Family, bukas sa lifestyle check sa gitna ng alalahanin sa pondo

First Family, bukas sa lifestyle check sa gitna ng alalahanin sa pondo

235
0

MANILA, Philippines – Bukas ang First Family na sumailalim sa lifestyle check.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa  Malakanyang habang tinutugunan ang mga tanong na hinihimay sa isang investigative report ukol sa distribusyon ng “allocable” infrastructure funds kung saan itinuturing na ‘top recipients’ ang Ilocos Norte, balwarte ng pamilya Marcos, kung saan si presidential son Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang kumakatawan sa Kongreso.

Kinumpirma rin ni Castro na nabasa na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), nagsabing nakatanggap ang distrito ni Sandro Marcos ng P15.8 billion sa Department of Public Works and Highways (DPWH) allocable funds mula 2023 haggang 2025, pinakamataas sa hanay ng 252 congressional districts.

Tiwala aniya ang Pangulo na maipaliliwanag ng kanyang anak ang bagay na ito.

“Alam naman po ng Pangulo na alam ni Congressman Sandro Marcos ang kaniyang ginagawa at alam niya po kung paano ito sasagutin,” ang sinabi ni Castro.

Idinagdag pa ni Castro na handa si Sandro Marcos na boluntaryong pumunta sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), humahawak ng imbestigasyon ng public infrastructure anomalies.

“Siya mismo ang pupunta sa ICI… bigyan lamang po siya ng date,” ayon kay Castro.

Sa ulat, sinuring mabuti ng PCIJ report kung paano ang P1.2 trillion na DPWH “allocable” funds ay itinalaga a gumagamit ng budgeting mechanism impormal na tinatawag na “BBM Parametric Formula”.

Ang pormula ay may malalaking pagkakaiba-iba sa hanay ng mga distrito, may ilan sa high-population areas ay nakatanggap ng mas kaunti kaysa sa mas maliit na distirto, at may ilang Duterte-aligned lawmakers ang napaulat na nakatanggap ng zero allocables sa 2025 budget.

At nang tanungin kung papayagan ng Malakanyang na sumailalim sa lifestyle check ang presidential son o ang First Family, sinabi ni Castro na “there is no objection” mula sa Malakanyang.

“Nandiyan na po iyan. Wala namang pinagbabawal sa lifestyle check, kahit sino po,” ang tinuran ni Castro.

“Open po, even before,” diing pahayag ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here