Home NATIONWIDE First Family magkakasama ngayong Holy week- Malakanyang

First Family magkakasama ngayong Holy week- Malakanyang

MANILA, Philippines – MAKAKASAMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pamilya ngayong Holy Week.

Tiniyak ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ‘family time’ ang kahaharapin ng Pangulo ngayong Semana Santa.

“Naitanong po natin at siya po ay makakasama niya po ang kanyang pamilya, he will spend his time with his family,” ang sinabi ni Castro sabay sabing “Ang mga detalye ay hindi ko na po maibibigay, iyon lang po.”

Hindi naman aniya sinabi sa kanila kung saan magho-Holy Week ang First Family.

“Opo, basta he will spend his time, during his holy week, most probably starting Thursday. Opo, pero iyon lang po, itong holy week na po ay bibigyan niya po naman ng oras ang kanyang pamilya para po sila’y magkasama-sama, dahil sa sobrang busy ng ating Pangulo, sa kanyang mga activities, so iyan po,” ang pahayag ni Castro.

Sa kabilang dako, bagama’t may iskedyul na ang First Family para sa kanilang bonding ay sinabi ni Castro na hanggang araw ng Miyerkules Santo ay may mga aktibidad pa rin ang Pangulo sa loob at labas ng Malakanyang.

“Sa aking pagkakaalam, mayroon din pong magaganap dito sa Palasyo, pero mga meetings lang po. So, i-include po natin iyong mga meetings,” ang winika ni Castro. Kris Jose