Home HOME BANNER STORY Fishing tycoon Francisco Tiu Laurel Jr. itinalaga ni PBBM na bagong DA...

Fishing tycoon Francisco Tiu Laurel Jr. itinalaga ni PBBM na bagong DA chief

MANILA, Philippines – Matapos ang mahigitĀ  na isang taon ng pamumuno ng Department of Agriculture (DA), itinalaga niĀ  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr. para mamuno sa ahensya.

Pagmamay-ari ni Laurel ang Frabelle Fishing Corporation, isang kumpanya ng pangingisda na nagsusuplay ng mga sariwa, frozen, at naprosesong produkto ng pagkaing-dagat sa mga lokal at internasyonal na merkado.

Bago ang pagkakatalaga kay Laurel bilang hepe ng DA, siya ay bahagi ng grupo ng agrikultura ng Private Sector Advisory Council na tumutulong sa pamahalaan na tugunan ang mga isyu sa seguridad sa pagkain.

Sa kabilang banda, nauna nang nag-alarma ang militanteng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas matapos lumabas ang mga ulat na pamumunuan ni Tiu ang ahensya.

Sinabi ng grupo na ang kumpanya ni Laurel ay sangkot umano sa malawakang conversion sa isang anyo ng reclamation ng mga coastal area at municipal waters.

Ang pagtatalaga kay Secretary Tiu ay sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin, kabilang ang mga produktong pang-agrikultura, dahil ang inflation rate ay bumilis sa 6.1% noong Setyembre. RNT