Home NATIONWIDE Fishing vessel hinuli ng PCG sa illegal na pangingisda

Fishing vessel hinuli ng PCG sa illegal na pangingisda

MANILA, Philippines – Hinuli ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel, BRP Capones (MRRV-4404), at BFAR Fisheries Protection and Law Enforcement Group ang isang fishing vessel na nagsasagawa ng illegal na aktibidad sa dagat ng Hilongos, Leyte.

Ayon sa PCG, ang F/V Richard ay nagsasagawa ng illegal, unreported, unregulated fishing (IUUF) activities sa nasabing katubigan.

Namataan ang nahuling fishing vessel sa loob ng municipal waters sa ilalim ng seksyon 86 (A.2), gamit ang “Purse Seine,” na walang vessel monitoring measure (VMS) na naka-install, at may pitong hindi lisensyadong tripulante na sakay.

Sinabi ng Coast Guard District Eastern Visayas (CGDEV) kasunod ng paglabas ng Certificate of Orderly Inspection (COI), ang fishing vessel, boat owner, at crew ay pinakawalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden