Home ENTERTAINMENT Micaella Raz, nag-throwback sa ex na alcoholic!

Micaella Raz, nag-throwback sa ex na alcoholic!

Manila, Philippines – Sa mediacon ng pelikulang Red Flag ng Vivamax, nag-throwback si Micaella Raz sa kanyang ex jowa na alcoholic.

Ang red flag sa isang relasyon ay indicator na hindi maganda ang ugali ng itong kapartner.

Nakita raw niya ito na red flag sa kanyang ex pero ipinagpatuloy pa rin niya.

“Yes, na-experience ko nang magka-boyfriend na adik sa alak. Red flag yun alam ko.

“May pagkakataon din noon na maghihiwalay na kami pero sinasaktan pa niya ako physically, pero hindi ko rinnaman hahayaan na lumala ang pananakit niya.

“Ang gusto kasi niya nu’n, matulog na ako pero nagseacellphone ako kaya nagalit siya,” kwento ni Micaella.

Hindi raw maganda ang pagiging adik nito sa alak dahil lagi raw ay wala sa hulog ang kanyang ex.

“Pero nu’ng nakita siya ng tito ko na may sakay sakay na ibang babae sa motor, yun yung time na nakipaghiwalay na talaga ako,” sabi niya.

Aminado rin naman si Micaela na kahit siya ay may red flag pero hindi na niya ito dinetalye.

Kasama ni Micaella sa Red Flag sina Mon Mendoza, Joana David at Mhack Morales, directed by Lakambini Rosales.

Streaming na ang Red Flag soon sa Vivamax. JP Ignacio