SANTIAGO CITY, Isabela- Patay ang isang fishpond caretaker sa pamamaril ng umano’y dating communist rebel sa Barangay Abra sa lugar na ito nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Police Capt. Jeffrey Viloria, deputy chief ng Santiago City Police Station 2, ang biktima na si Joseph Domingo, residente ng Cordon, Isabela, at fishpond caretaker sa Barangay Ambalatungan, sa lungsod na ito.
Sinabi ni Viloria na nadakip ang suspek na si Rolando Galicia, isa umanong New People’s Army surrenderer mula sa Gamu, Isabela, sa isang follow-up operation.
Inamin ni Galicia ang pagpaslang sa biktima sa umano’y pagiging masamang tao.
Patay si Domingo mula sa tama ng bala sa katawan.
Narekober sa suspek ang baril na ginamit umano sa krimen.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso at kasalukuyang nakaditene sa city police custodial facility. RNT/SA