Home NATIONWIDE Floating devices ng Pilipinas sa WPS matagumpay na nailagay

Floating devices ng Pilipinas sa WPS matagumpay na nailagay

MANILA, Philippines – Matagumpay na nagsagawa ng tatlong araw na Floating Aggregate Device (FAD) laying Operations ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Hasa Hasa at Kanduli Shoals.

Ito ay sa kabila ng radio challenges at mapanganib na maneuvers mula sa apat na Chinese Coast Gaurd vessels sa panahon ng operasyon.

Samantala, sinabi ng PCG na mayroon na ngayong 20 FADs ang dineploy sa lugar.

Sinabi rin ng PCG na ang mga kagamitan ay inilagay sa paggamit ng tatlong 44-meter Multi-Role Response Vessels (MRRVs), ang 5001 PCG-manned BFAR vessel at MV Mamalakaya, kasama ang ilang mga bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Nananatiling matatag sa kanilang misyon ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa kanilang misyon na pangalagaan ang kabuhayan ng mga mamamayan itaguyod ang mga karapatan sa soberanya sa West Philippine Sea (WPS). Jocelyn Tabangcura-Domenden