Home NATIONWIDE Flood control probe, magiging patas – House

Flood control probe, magiging patas – House

194
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng House of Representatives na magiging patas at tapat sa interes ng publiko ang gagawing imbestigasyon sa mga proyektong flood control, ayon kay House spokesperson Atty. Princess Abante.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na may 80 mambabatas umanong sangkot sa mga kaduda-dudang kontrata ng gobyerno, kabilang ang “ghost” flood projects, bagamat hindi siya nagbanggit ng pangalan.

Ayon kay Abante, nananatiling credible ang Kamara dahil sa mahigit 300 miyembrong may sari-sariling pananaw.

“Mananatiling tapat ang House sa mandato nito sa batas at sa taumbayan,” aniya.

Hinimok naman ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, si Lacson na pangalanan ang mga mambabatas na umano’y kasangkot. Aniya, bawal sa Konstitusyon at sa batas ang mga opisyal ng gobyerno na may direktang o di-tuwirang interes sa mga kontrata ng pamahalaan.

Nagbabala rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa katiwalian sa mga proyektong flood control sa kanyang SONA noong Hulyo 28. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here