Home NATIONWIDE Flood control projects probe, oks sa solon

Flood control projects probe, oks sa solon

200
0

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng buong suporta si Navotas City Rep. Toby Tiangco sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang mga flood control projects ng pamahalaan, kasunod ng kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Tiangco, panahon na upang papanagutin ang mga tiwaling indibidwal na umano’y kumita sa mga proyektong dapat sana ay nakalaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

“Panahon na para panagutin ang mga tiwaling nakinabang at pinagkakitaan ang mga proyektong dapat sana ay para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Tiangco. “Dapat ding singilin ang mga kawani ng pamahalaan na sangkot sa mga palpak at substandard na proyekto.”

Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng pagbabantay sa pambansang budget upang masiguro na ito ay naaayon sa tunay na pangangailangan ng taumbayan at hindi ginagamit sa pansariling interes.

“Maliwanag ang mensahe ng pangulo — kailangang labanan ang korapsyon sa pamahalaan at bantayan ang budget ng bayan. Kailangang siguruhin na walang sikretong sinisingit na mga items o budget insertions na hindi naman kabilang sa plano at programa ng pamahalaan,” dagdag ni Tiangco.

Kasabay nito, nanindigan si Tiangco na ang masinsin at tapat na pagsusuri sa pambansang budget ay mahalaga upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here