Home HOME BANNER STORY Flood control projects, zero budget sa 2026 – PBBM

Flood control projects, zero budget sa 2026 – PBBM

315
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang nakalaang bagong alokasyon para sa flood control projects sa 2026 national budget.

Ayon sa Pangulo sa kanyang pinakabagong podcast episode na umere nitong Lunes, nananatiling hindi pa nagagastos ang P350 bilyong pondo mula 2025.

Ani Marcos, nakatakdang muling ipadala ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Kongreso ang revised budget proposal para sa 2026.

“Number one, we already are seeing na lahat ng flood control project na dapat ilalagay sa 2026 na budget, hindi na siguro kailangan. So, there will be no budget for 2026 for flood control. Dahil mayroon naman P350 billion for 2025 na hindi pa nauubos talaga,” pahayag ng Pangulo.

Tiniyak din niya na magpapatuloy ang flood control projects subalit “with stricter scrutiny.”

“Ibig sabihin, titiyakin na ngayon natin na ang paggastos tama, ang pag-implement tama, maayos ang design,” dagdag niya.

Idinagdag pa ng Chief Executive na kailangan munang ayusin ng mga kontratista ang kanilang depektibong proyekto “at their cost” bago pa muling ikonsidera ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan.

Samantala, binasura ng Pangulo ang panawagan ng ilang mambabatas na “return to sender” ang panukalang 2026 National Expenditure Program, sabay sabing tanging ang DPWH budget lamang ang babaguhin. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here