Home NATIONWIDE Food security, emergency sa bigas mananatili

Food security, emergency sa bigas mananatili

259
0

MANILA, Philippines – MANANATILI ang food security emergency sa bigas habang nakabinbin ang pagsasabatas ng hakbang na amiyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).

“As of the moment habang wala pa ‘yung bagong RICE Act natin, it should stay in effect dahil kailangan natin ma-manage mabuti ang rice supply and demand,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Tinukoy ng Kalihim ang Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act, naglalayong ibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA) upang masiguro na maging stable ang suplay ng bigas at presyo nito habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka at consumers.

Iminungkahi sa panukalang batas na ibalik ang mga pangunahing kapangyarihan ng NFA tulad ng registration, licensing, at superbisyon ng mga kasali sa industriya ng bigas: inspeksiyon ng mga bodega at storage facilities; pagsamsam sa mga itinagong bigas at mga butil; istratehikong pangangasiwa ng buffer stock; at regulasyon ng importasyon at export ng bigas.

Matatandaang, nagdeklara ng food security emergency sa bigas si Tiu Laurel batay na rin sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here