MANILA, Philippines- Ipinag-utos sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibidwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce.
“Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-forced evacuation sa mga lugar na hindi maaabot ng ating mga pwersa,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
“Normally ang ating kapulisan at ang armed forces ay nagbibigay ng saklolo. Ang hindi po maaabot ay pinag-eevacuate na po sa evacuation centers,” dagdag na wika nito.
Layon ng mandatory evacuation na tiyakin ang maayos at tuloy-tuloy na probisyon health benefit, water, sanitation, at food supplies sa mga residente na maaapektuhan ng Marce.
Nauna rito, nakipagpulong muna si Teodoro sa ibang member agencies ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa usapin ni Marce.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang nag-provide ng listahan ng mga lugar na prone sa baha, landslides, at malalaking alon.
“Yung mga listahan po ng mga barangay ngayon binibigay po namin ‘yan dito po sa Office of Civil Defense para ma-distribute po nila ang information tungkol po sa likely scenario na tinatawag na kumbaga, posibleng mangyari dito po sa inyong mga pook ang landslide or flood,” ang sinabi pa ni Yulo-Loyzaga.
“Sana gamitin po ito ng mga local officials natin dito sa pagdesisyon ng preemptive evacuation po,” dagdag na wika nito.
Samantala, ipinag-utos naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na muling buhayin ang repacking station sa Central Luzon para mapahusay ang bilang ng stockpiles sa hilagang bahagi ng bansa.
SA 11 a.m. BULLETIN ng PAGASA, sinabi nito na 12 lugar sa Luzon ang kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 habang pinaigting ni Marce ang bagyo , Martes ng umaga.
Si Marce ay huling namataan sa 590 kilometers east ng Baler, Aurora kumikilos patungong west northwestward na may 30 kilometers per hour (kph).
“The typhoon was packing maximum sustained winds of 120 kph near the center and gustiness of up to 150 kph,” ayon sa PAGASA.
Si Marce ay maaaring tumama sa bisinidad ng Babuyan Islands o sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.
Bunsod ng kawalan ng katiyakan sa lakas ng high pressure area pa-hilaga ng bagyong Marce, sinabi ng PAGASA na ang forecast track ay maaaring pang magbago at dalhin ang landfall point sa mainland Cagayan-Isabela area.
“Marce is expected to continue intensifying and may reach its peak intensity prior to possible landfall over Babuyan Islands or Cagayan,” ang sinabi ng PAGASA. Kris Jose