Home NATIONWIDE MMDA bukas sa polisiya sa pagbabawal ng single-use plastics sa NCR

MMDA bukas sa polisiya sa pagbabawal ng single-use plastics sa NCR

MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes na bukas ito sa posibilidad ng pagpapatupad ng polisiya na pag-iisahin ang ban sa single-use plastics sa National Capital Region (NCR). 

“Sa Metro Manila po wala pa po, pero may mga ilang cities na po na mayroong mga ordinansa na nagbabawal po mag-single use plastic,” pahayag ni MMDA chairperson Romando Artes Jr. sa Zero Waste Summit sa Pasig City.

Kabilang dito ang Quezon City at Marikina City. 

“Siguro makikipag-coordinate kami sa National Solid Waste Management Commission para makapag-come up ng isang MMC (Metro Manila Council) resolution regarding single-use plastic,” wika ni Artes. 

Sa kasalukuyan, mayroon nang mga inisyatiba sa Kongreso upang limitahan ang paggamit ng single-use plastics. 

Umiral ang EPR Act noong 2022 na nilalayong bawasan ang plastic waste sa lebel ng producers at manufacturers. RNT