MANILA, Philippines- Naghatid ang aircraft mula sa Philippine Air Force (PAF), kasama ang Indonesian National Armed Forces, ng family food packs (FFPs) sa mga liblib na komunidad na labis na apektado ng mga nagdaang bagyo sa Bicol region nitong Lunes.
Sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo nitong Martes na dinala ang FFPs sa malalayong isla ng Calaguas sa Camarines Norte at Butawanan sa Camarines Sur.
“This mission delivered essential food supplies to communities affected by the onslaught of STS (Severe Tropical Storm) Kristine. Additionally, a PAF C-130 aircraft transported further essential supplies to Naga Airport, which serves as a vital distribution hub for the ongoing relief efforts in affected areas,” dagdag ng opisyal.
Ani Castillo, ipinapakita ng humanitarian assistance and disaster relief operations ang maigting na partnership ng Pilipinas at Indonesia sa paghahatid ng agarang tulong sa mga nangangailangan. RNT/SA