MANILA, Philippines – Isinumite ng House Quad Committee sa Office of the Solicitor General (OSG) ang ilang mahahalagang dokumento na nakalap nito hinggil sa illegal na POGO operations sa layon na makapahgsampa ng forfeiture case laban sa mga POGO bosses na illegal na nakabili ng mga ari-arian sa bansa.
“we urged the OSG to expedite its review and initiate civil forfeiture proceedings, in coordination with other government agencies,” pahayag ni House Committees on Dangerous Drugs at Quad Comm Overall Chairman Surigao Rep Robert Ace Barbers.
Partikular na sentro ng kaso ay si Aedy Tai Yang, isang Chinese national na pineke ang kanyang Filipino citizenship upang makapagpatayo ng negosyo at makabili ng mga ari arian sa bansa.
Kasama din sa iprinisintang dokumento ng QuadComm ay ilang kuwestiyunableng land deals sa pagitan ni Yang at ng local government ng Mexico, Pampanga kabilang dito ang Memorandums of Agreement, Deeds of Sale at municipal resolutions.
Una nang kinumpirma ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ilang mga lupa na nabenta kay Yang hindi dumaan sa legal na conversion process.
Sa liham ng QuadCommm kay Solicitor General Menardo Guevarra hiningi nito ang agarang aksyon sa nasabing kaso na may kahalagahan para matiyak ang national security.
“These actions are blatant violations of our laws and call for immediate executive intervention,”ayon sa liham.
Kabilang sa tumanggap ng nasabing mga dokumento na inihain ng QuadComm ay sina Assistant Solicitor Generals Hermes Ocampo at Gilbert Medrano at Senior State Solicitor Neil Lorenzo.
Nais ng QuadComm na makipagkoordina ang OSG sa LRA, Securities and Exchange Commission (SEC), PSA, DAR, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Justice (DOJ) para sa kanilang gagawinhg imbestigasyon.
“We trust your office will prioritize this matter and act swiftly to protect the integrity of our nation’s legal and economic systems,” giit ng Quad Committee. Gail Mendoza