MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis sa naganap na engkwentro sa mga armadong magnanakaw sa isang pamilihan sa Barangay Poblacion 1, Penaranda, Nueva Ecija nitong Linggo, Oktubre 20.
Kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Jhon Espinoza ng Peñaranda Municipal Police Station, na nabaril habang rumeresponde sa insidente ng pagnanakaw.
Ayon sa mga imbestigador, pinasok ng mga armadong magnanakaw ang STM Supermarket.
Nang matanggap ang report, agad na rumesponde si Espinoza at team nito, ngunit agad na nagpaputok ang mga suspek dahilan para tamaan sa ulo ang pulis na biktima.
Dinala si Espinoza sa Gapan District Hospital sa Gapan City, Nueva Ecija, ngunit idineklarang patay.
Nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya para tugisin ang mga suspek. RNT/JGC