Home NATIONWIDE Form of government, mas gustong baguhin ni Padilla kaysa economic provision

Form of government, mas gustong baguhin ni Padilla kaysa economic provision

MANILA, Philippines – Mas gugustuhin ni Senador Robin Padilla na baguhin ang sistema ng gobyerno kasya amyendahan ang economic provision ng 1987 Constitution sa paniniwalang magkakaron ng tunay na reporma.

Binatikos din ni Padilla ang pagsusulong ng peoples initiative ni House Speaker Martin Romualdez na aamyendahan ang 1987 Constitution na papayagang bomoto nang magkasanib ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaysa hiwalay.

Layunin ng signature campaign na mahigpit na tinutulan ng Senado dahil lulusawin nito ang kanilang kapangyarihan na bomoto nang hiwalay sa anumang tinatalakay ng Kongreso tulad ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Kung gusto mo talagang baguhin ang Pilipinas, unahin natin ang porma ng gobyerno dahil hindi naman tayo magkakaroon ng tunay na pagbabago kung hindi natin babaguhin ang porma ng gobyerno,” ayon kay Padilla.

Sinabi ni Padilla na matagal na nitong isinusulong ang unicameral government pero kaagad sinupalpal ng ilan bago nito maipaliwanag ang sistema na makatutulong sa pagbabago ng bansa.

Sinuportahan ni Padilla ang pederalismo ng dating Duterte administration at nagtangka siyang buhayin ang kampanya sa Senado noong 2022.

Iginiit ng ilang nagsusulong ng charter change sa dalawang kapulungan ng Kongreso na tanging pagbabago lamang sa restrictive economic provisions ng Constitution at hindi gagalawin ang political provisions.

Sa interview, hinimok naman ni Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang mamamayan na batikusin kung paano ginamit ang peoples initiative at hindi sa tunay na pamamaraan nito.

Naniniwala ang senador na ang kuwestiyon na itinanong sa peoples initiatives – kung gustong aprubahan na payagan ang Kongreso na bumoto nang sabay sa charter change – na pawang mali at lumalabag sa Saligang Batas.

“Itong katanungan dito sa People’s Initiative talaga pong tunay na ito ay delikado. Hindi po ito dapat maitulak sapagka’t maling-mali po ito,” aniya.

“Hindi maaaring gamitin ang peoples initiative sa pagrerebisa ng Saligang Batas,” dagdag niya.

“Hindi po talaga puwedeng voting jointly. Dapat talagang malinaw na voting separately. Kung gusto nilang matuloy ito ay kailangan voting separately tayo,” aniya.

Inihayag naman ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na anuman ang panukalang nakapaloob sa people’s initiative ay rebisyon, at hindi amendments.

“Peoples initiative can only be used to amend the constitution and that revision needs a deliberative body like a constituent assembly in which members of Congress debate on proposals,” ayon kay Carpio.

Sinimulan ng Senado ngayong Lunes ang deliberasyon ng Resolution of Both Houses No. 6, na naglalayong amendahan ang “restrictive” economic provisions ng 1987 Constitution. Ernie Reyes

Previous articleCooperation, resource sharing agreement tinintahan ng DMW at CICC
Next articleLalaki todas sa saksak ng kelot na naingayan sa kanta