Home NATIONWIDE Former Executive Secretary Ochoa, bigong makadalo sa PDEA leak probe ng Senado;...

Former Executive Secretary Ochoa, bigong makadalo sa PDEA leak probe ng Senado; nagka-COVID

MANILA, Philippines – Bigong makadalo sa pagdinig ng Senado sa “PDEA leak” si dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. matapos na tamaan ng COVID-19.

Noong nakaraang linggo ay hindi rin siya nakadalo dahil naman sa “scheduling conflict.”

Sa pagsisimula ng pagdinig, sinabi ng committee secretary na nakatanggap siya ng liham at medical certificate mula kay Ochoa “indicating that he’s positive [for] COVID.”

Kasalukuyang iniimbestigahan ng komite na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang umano’y pagpapakalat ng dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay sa ilang personalidad sa illegal na droga.

Ang dokumento ay inilabas noong Marso 11, 2023 at pirmado ni dating PDEA agent, Jonathan Morales.

Kinaladkad ni Morales si Ochoa sa kontrobersiya sa pagsasabing ipinag-utos ng dating executive secretary na huwag nang tumuloy sa operasyon noong 2012.

Sa kabila nito, pinasinungalingan naman ng PDEA ang pagkakaroon ng umano’y leaked documents.

“PDEA ran a check through its Plans and Operations Reports Management Information System, or PORMIS and found that no such operation was logged on said date,” saad sa naunang pahayag ng ahensya. RNT/JGC