Sa nakalipas na lingo at hanggang sa mga oras na ito ay patuloy na nanalasa ang malalakas na bagyo sa halos buong bansa.
Kaya naman ang Patylist na FPJ Panday Bayanihan sa pangunguna ng unang nominado nitong si Dr. Brian Poe Llamanzares at mga volunteers ay kaliwat kanan ang paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan.
Bukod sa mga food packs para sa mga biktima ng sakuna, nagpapatuloy din ang linguhang FREE Legal Assistance tuwing biyernes ng umaga sa Patio Pilar, E. Reyes St., Ermita Manila.
Sa mga may pangangailangan legal, makipag ugnayan lamang sa facebook page ng FPJ Panday Bayanihan para sa libreng konsultasyong legal.
At nitong Sabado, naghatid naman ng tulong pambaon at pangmatrikula sa mga kabataang estudyante sa San Carlos City, Pangasinan ang FPJ Partylist na personal na dinaluhan ni Dr. Brian Poe.
“Mahigit isang dekada na tayong tumutulong sa ating mga kababayang nangangailangan, hinding hindi tayo mapapagod pagtulong, ani Brian Poe”
Ang FPJ Panday Bayanihan ay itinatag ni Dr. Brian Poe noong 2013 upang ipagpatuloy ang mga adhikain ng yumaong lolo nitong si Da King, Fernando Poe Jr.
Katuwang ang inang si Senator Grace Poe, nagpapatuloy ang adbokasiya ni FPJ. RNT