Home ENTERTAINMENT Francine, nagpasalamat sa mga basher!

Francine, nagpasalamat sa mga basher!

Manila, Philippines – Sa latest vlog na ibinahagi nI Francine Diaz sa YouTube, naglabas siya ng saloobin laban sa mga taong hindi siya gusto.

Sa naturang vlog ay natanong siya kung ano ang isang sentence ang masasabi niya sa mga taong ayaw sa kanya.

“Thank you talaga,” sabi ng dalaga.

Pagpapatuloy pa ni Francine, “Ako sa sarili ko, ha, sino ba ako para pag-aksayahan n’yo ng panahon?

“Para magtu-tweet-tweet kayo, gumawa kayo ng videos mag-comment kayo na, ‘ang panget ng mukha ni Francine! Ang panget ng ugali niya! Ang laki ng bunganga! Ang laki ng mukha niya!’”

Takang-taka pa nga ang dalaga dahil napapansin pa ng mga bashers ang mga simpleng detalye tungkol sa kanya.

“Napansin ninyo ‘yon? Sobrang observant ninyo naman sa akin. But seriously, thank you,” sey pa ni Francine.

Nagpapasalamat ang aktres dahil sa tuwing may naririnig o nababasang hindi magandang mga komento mula sa bashers ay mas nari-realize niya na talagang marami na sa mga madlang pipol ang nakakakilala sa kanya.

“Kasi kung hindi naman ako nakikilala, ’di ninyo naman ako papansinin, e,” sabi ni Francine. Rommel Placente