MANILA, Philippines – Pansamantalang ikukulong sa detention facility ng House of Representatives ang umano’y “fixer” sa Customs na si Mark Taguba dahil sa potensyal na banta sa seguridad.
Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na ililipat si Taguba mula sa kasalukuyang kulungan nito sa National Bilibid Prison (NBP).
Mananatili sa detention facility ng Kamara si Taguba hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon ng Quad Committee o hanggat hindi naaaksyunan ang banta laban kay Taguba.
Ang mosyon para ilipat si Taguba mula sa NBP ay inihain ni Abang Lingkod Party-list Representative Stephen Paduano sa pagdinig ng QuadComm kamakailan.
Sa naturang pagdinig, iginiit ni Taguba na hindi siya sangkot sa shabu trade.
Si Taguba at dalawang iba pa ay hinatulan ng Manila Regional Trial Court (RTC)-Branch 46 ng habang buhay na pagkakulong kaugnay aa ₱6.4 bilyon na shabu shipment myla Chuna noong 2017.
Noong Setyembre, hunatulan muli si Taguba ng parusang reclusion perpetua dahil sa kasong importation, receipt and facilitation and misdeclaration sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act. TERESA TAVARES