Home HOME BANNER STORY French Carrier Strike Group dumating na sa Pilipinas

French Carrier Strike Group dumating na sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang Carrier Strike Group (CSG) ng French Navy, na pinangunahan ng aircraft carrier Charles de Gaulle, para sa isang “unprecedented stopover,” na isang milestone sa defense cooperation ng dalawang bansa.

Sa Facebook post nitong Linggo, Pebrero 23, sinabi ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia na ang pagbisita ay magpapalakas ng “enhanced maritime and defense cooperation” sa pagitan ng France at Philippines.

Kabilang sa CSG ay ang Charles de Gaulle, dalawang multi-mission destroyers, isang air defense destroyer, at auxiliary oil replenishment ship Jacques Chevallier.

Ayon sa French Embassy, ang Charles de Gaulle, air defense destroyer, at Jacques Chevallier ay dumaong sa Subic, habang ang dalawang multi-mission destroyers ay nasa Manila.

“This operational deployment is a testament to our commitment to a free and open Indo-Pacific,” pahayag ng embahada.

Ang pagbisita ay naaayon sa letter of intent na pinirmahan ng France at Pilipinas noong Disyembre 2023 na layong palakasin ang military cooperation at joint operations. RNT/JGC