Home HOME BANNER STORY POGO workers napa-deport na, POGO bosses naiwan – Gatchalian

POGO workers napa-deport na, POGO bosses naiwan – Gatchalian

On Monday Senator Sherwin Gatchalian conducted an ocular inspection at a raided POGO hub in Porac, Pampanga, which consists of 46 buildings.Accompanied by PAOCC and CIDG, he discovered military uniforms of China's People's Liberation Army and torture equipment used on kidnapping victims. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Nasa bansa pa rin ang mga lider ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at patuloy na nagsasagawa ng illegal na aktibidad katulad ng kidnapping, pitong buwan matapos ipag-utos ang total bansa sa POGO, paglalahad ni Senador Sherwin Gatchalian nitong weekend.

Ayon kay Gatchalian, nalaman niya na ang mga lider ng mga POGO hub ay nananatili sa bansa at nagpapatuloy sa “pocket scams” at pandurukot.

“‘Yung iba dito ay pumasok sila dito gamit ‘yung kanilang working visa, ‘yung iba ay nagtatago. ‘Yung mga nananatili dito, ito ‘yung ayaw bumalik ng China kasi mahigpit ang China,” ani Gatchalian sa panayam sa radyo.

Matatandaan na sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hulyo 2024 ay ipinag-utos ang ban sa lahat ng POGO sa katapusan ng taon dahil sa “grave abuse” at “disrespect” sa sistema at mga batas ng bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) director Winston Casio na sa pinakahuling datos mula sa mga ahensya ng pamahalaan ay mayroon pa ring nasa 10,650 POGO-related foreign nationals na nasa bansa matapos maipa-deport ang nasa 2,000 manggagawa.

“We’ve been conducting almost nonstop mga rescue, mga raids since February 13, so in the next few weeks, probably, we’ll be able to identify other members ng mga Chinese kidnapping syndicates na mga ito,” ani Casio.

“Sa tulong ng NBI [National Bureau of Immigration] at tsaka ng PNP [Philippine National Police], I’m sure maneu-neutralize ang mga ito [they will be neutralized],” dagdag pa niya. RNT/JGC