Home NATIONWIDE French crew sinaklolohan ng PCG

French crew sinaklolohan ng PCG

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo ang United Kingdom Maritime rescue Coordination Centre (UKMRCC) sa Philippine Coast Guard (PCG) na humiling ng agarang medical evacuation para sa French crew ng yate na CV20.

Ayon sa PCG, nakilala ang crew na si Antonoine Arveiller, na nagtamo ng bali sa braso sa karagatan sakop ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Naglunsad naman ang Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ng medical evacuation at nakipag-ugnayan sa Customs Immigration Quarantine, MDRRMO-Sta. Ana, at St. Anthony Hospital upang tulungan ang nasugatang crew.

Nitong Miyerkules, Pebrero 14, ligtas na nadala ng medical evacuation team ang crew sa St. Anthony Hospital para malapatan ng tamang lunas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLalaki patay sa riding in tandem
Next articleNagbibenta at bumibili ng pekeng resibo, kinasuhan na sa korte ng DOJ