Home METRO Frontline personnel pinapayagan na ng BI na bumati sa mga biyahero

Frontline personnel pinapayagan na ng BI na bumati sa mga biyahero

MANILA, Philippines – PINAHINTULUTAN ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga frontline officer na batiin ang mga manlalakbay ng mga “holiday messages” ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Pinaalalahanan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga tauhan ng paliparan na tiyaking manatiling magalang sa kanilang pagbati, na aiyang katanggap-tanggap sa lahat ng mga manlalakbay anuman ang kanilang pananampalataya o kultura.

“Filipinos are globally recognized for their warmth and hospitality, especially during the holidays,” pahayag ni Viado.

“Greeting travelers is more than spreading joy. It reflects our identity as a people, showcasing the Filipino way of celebrating with respect and inclusivity,” saad pa ni Viado.

Pinaalalahanan naman ni Viado ang kaniyang mga kasamahan na ang mga empleyado ng gobyerno ay ipinagbabawal na tumanggap ng mga regalo o mga token, kung saan hinihimok ang mga manlalakbay na sa halip ay magpakita ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga ngiti o pagbati.

“Such gestures uplift our officers, especially during the holidays when they sacrifice time with their families to serve the public,” dagdag pa ni Viado.

Inaasahan ng BI ang pagtaas ng aiport traffic, na may humigit-kumulang 110,000 araw-araw na pagdating at pag-alis sa panahon ng kapaskuhan.

Hinihikayat ang mga manlalakbay na dumating nang maaga at sumunod sa mga protocol ng imigrasyon upang matiyak ang maayos na pagproseso at walang problemang karanasan. JAY Reyes