Home NATIONWIDE FTI inatasan ng DA sa pagbili ng sibuyas vs pagbagsak ng farmgate...

FTI inatasan ng DA sa pagbili ng sibuyas vs pagbagsak ng farmgate price

221
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ng Department of Agriculture (DA) sa Food Terminals Inc. (FTI) na simulan ng bumili ng sibuyas mula sa local producers ngayong linggo sa layuning mapigilan ang pagbagsak ng farm gate price habang papunta na ang harvest season sa peak season nito.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ipinahatid na ang grupo mula sa FTI sa Nueva Ecija — itinuturing na onion capital ng bansa— upang masiguro ang cold storage capacity.

“They’ve secured space for 50,000 28-kilo bags, and we can expand that if needed,” ang sinabi ng Kalihim.

Tinitingnan naman ni Tiu Laurel sa ibang onion-producing provinces gaya ng Occidental Mindoro, Pangasinan, at Cagayan Valley “to support farm gate prices and keep traders honest.”

Gayundin, nagtayo ang DA ng cold storages para palawigin ang ‘shelf life’ ng mga gulay upang panatilihin na matatag ang suplay at presyo nito sa buong taon.

Sinabi pa ni Tiu Laurel na “in past cycles, heavy imports colliding with peak local harvests crushed farmgate prices, discouraging growers and triggering production shortfalls months later.”

“By absorbing supply and expanding cold storage, sinabi ni Tiu Laurel na ang FTI ay epektibong umaakto bilang isang “buffer buyer, smoothing out gluts and tempering price swings.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here