Home NATIONWIDE Fuel subsidy sa mga magsasaka, mangingisda ilalabas ng DA sa Abril

Fuel subsidy sa mga magsasaka, mangingisda ilalabas ng DA sa Abril

225
0

MANILA, Philippines – IPALALABAS na ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidies para sa mga magsasaka at mangingisda ngayong Abril.

Sa katunayan, sa Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development hearing sa pangunguna ni chairman, Sen. Erwin Tulfo, ipinresenta ni DA Field Operations Service Dir. Lorna Calda ang timeframe para rito.

Ang fuel subsidy budget ng DA ay P100 milyong piso.

Ito ayon kay Calda ay makapagbibigay sa 4,400 magsasaka ng tig-P5,000 bawat isa at para naman sa 15,669 mangingisda na may P3,000 bawat isa.

Idagdag pa rito, ang DA ay may iba pang P10 billion cash aid sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fishermen program.

Ang Presidential Assistance to Farmers and Fishermen, nagkakhalaga ng P10 billion, mapakikinabangan ng 4.17 milyong magsasaka at mangingisda. Kaya, ang ibibigay sa mga ito ay P2,325 sa bawat beneoisaryo. Ang distribusyon ay magsisimula sa Abril.

Iniulat din niya na hiniling ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel na ipalabas na ang Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP) Fund, o mas kilala bilang Rice Fund, at Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).

Hiniling din aniya nila ang pagpapalabas ng RCEP Fund at kapag naipalabas na aniya ito ay makatatanggap ang bawat magsasaka ng P3,200.

Ang Rice Fund ay naglalayong paghusayin ang rice farm mechanisms sa pamamagitan ng mas maraming makinarya at kagamitan, i-promote ang seed development sa pamamagitan ng pagsasaliksik, at pagpapalawak ng tinatawag na crediting at iba pang technical services sa mga magsasaka.

Samantala, ang RFFA ay ginagamit para financially support ang vulnerable farmers sa panahon ng krisis sa panahon ng kalamidad. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here