Home NATIONWIDE MARINA nagsagawa ng inspeksyon sa mga barko sa Limay

MARINA nagsagawa ng inspeksyon sa mga barko sa Limay

136
0

MANILA, Philippines – Masusing inspeksyon ang ikinasal ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga barko sa Limay Anchorage sa Bataan.

Nilalayon ng pagsasagawa ng inspeksyon na matiyak ang kaligtasan ng mga tripulante, proteksyon sa karagatan, at maayos na operasyon ng mga barko sa bansa.

Sa ilalim ng Nationwide Validation Inspection o NVI ng Maritime Industry Authority o MARINA, nagsagawa ng masusing pagsusuri ang MARINA Regional Office 1 & 2 sa mga barkong nakadaong sa lugar.

Pinangunahan ito mismo ni Regional Director Atty. Fernan Cabral, katuwang ang mga teknikal personnel ng ahensya upang tiyakin ang pagsunod ng mga barko sa umiiral na safety at operational standards.

Kabilang sa mga sinuri ang seaworthiness ng mga sasakyang pandagat, kondisyon ng mga makina, at pagkakaroon ng sapat na life-saving at safety equipment.

Ang NVI ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng MARINA para sa mas ligtas na biyaheng dagat, at inaasahang magpapatuloy ito sa iba’t iba pang bahagi ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here