Home NATIONWIDE Full online transactions sa LTO target ngayong Oktubre

Full online transactions sa LTO target ngayong Oktubre

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng layunin ni administration Marcos na maging digital sa lahat ng trabsajsyon ng gobyerno, tinitignan na ng Land Transportation Office (LTO) na gawing full online transaction para sa kanilang serbisyo.

Mula sa drivers license hanggang sa pagpaparehistro ng sasakyan, sinabi LTO Chief Vigor Mendoza na ang end goal ay para sa contactless transactions gamit ang Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensya.

Ang LTMS ay one-stop online shop na naglalayong pagsamahin ang lahat ng mga serbisyong iniaalok ng LTO sa pamamagitan ng iisang contactless database system at digital platform.

Kasama sa digital shift ng LTO ang pagsasama-sama ng lahat ng computer system na ginagamit ng ahensya sa pagbibigay ng mga serbisyong may kaugnayan sa drivers license , pagpaparehistro ng sasakyan at iba pang serbisyo.

Sinabi ni Mendoza na tinalakay na niya ang layunin ng LTO sa lahat ng mga regional director at district officer ng ahensya at lahat sila ay nangakong ganap na lumipat patungo sa paggamit ng LTMS.

Ayon kay Mendoza, nakipagpulong na sila sa car at motorcycle dealers kaugnay sa pamamaraan na susundin sa nasabing usapin upang lahat at gagamit ng LTMS para sa layunin ng full transactions.

Ang full online transactions ay isa sa mga pangakong ginawa ni Mendoza nang maupo siya sa nangungunang posisyon sa LTO, at sinabing ito ay naaayon sa tagubilin ni Pangulong Marcos para sa digitalization ng lahat ng serbisyo ng gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)