Home NATIONWIDE Higit 2,000 informal settler families naninirahan pa rin sa loob ng Intramuros

Higit 2,000 informal settler families naninirahan pa rin sa loob ng Intramuros

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Intramuros Administration (IA) Administrator Joan Padilla nitong Martes sa Senate committee on finance na mayroong pa ring still 2,000 informal settler families sa historic walled city ng Intramuros sa Maynila.

Sa nasabing pagdinig sa panukalang badget ng Department of Tourism para sa 2024, sinabi ni Padilla na ang IA ay may kasalukuyang programa para sa relokasyon , ang SIMPLE program.

Ayon kay Padilla, nasa 470 informal settler families ang inaasahang mairerelocate sa Morong, Rizal ngayong taon.

“There are about 89 who have already signed lease purchase agreements for them to be relocated to that site in Morong,” saad ni Padilla.

Ang espasyo na lilisanin ng mga informal settlers ay aggamitin para sa “productive use” at “tourism purposes,” ani Padilla.

Inihayag din niya ang mga planong magtayo ng mga boutique hotel at multi-purpose na gusali sa loob ng Intramuros upang palakasin ang potensyal ng turismo ng lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)