Home NATIONWIDE DOTr nagbabala vs paggamit ng ‘di awtorisadong beep card

DOTr nagbabala vs paggamit ng ‘di awtorisadong beep card

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko at mga gumagamit ng beep card sa paglaganap ng hindi awtorisadong merchandise na may beep card functionality.

Sa isang advisory nitong Martes, sinabi ng DOTr na ang paggamit ng mga produktong ito bilang stored value card sa mga railway lines ay “hindi itinuturing na awtorisadong fare media sa light rail network”.

Ang mga bagay na ibinebenta online ay kinabibilangan ng mga charms, trinkets, keychain, bracelets at accessories.

Mahaharap sa parusa kabilang ang pagkumpiska at pag-blacklist sa sinumang indibidwal na matutuklasan may hawak ng nasabing bagay.

“These form factors are considered counterfeit and infringing on intellectual property rights and registered trademark of beep and other licensing brands, images and designs depicted on these items,” sabi ng DOTr

Sinabi ng DOTr na ang AF Payments, Inc., ang legal na may-ari ng beep trademark at logo at ang nag-iisa at eksklusibong nag-isyu ng mga beep card, ay hindi pinahintulutan ang pagbebenta, paggamit at pamamahagi ng mga ito

“Only legitimately sourced beep cards will be honored at any rail station acceptance points for payment of train fares,” saad sa advisor. Jocelyn Tabangcura-Domenden