JAPAN – Planong bumaba ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa pwesto at aalis na sa karera upang mapanatili ang pagiging party leader.
Ang ruling Liberal Democratic Party, na namumuno sa Japan mula pa noong 1945, ay nakatakdang magsagawa ng internal leadership contest sa susunod na buwan.
Inabisuhan ni Kishida ang senior administration officials ng intensyon niyang huwag nang tumakbo pa.
Si Kishida, 67, ay nasa pwesto mula pa noong Oktubre 2021 at mula nang mga panahong iyon ay nagpatuloy na ang pagbaba ng poll ratings dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Japan. RNT/JGC