Home ENTERTAINMENT Gabbi, may payo sa jowa kung papasok sa PBB!

Gabbi, may payo sa jowa kung papasok sa PBB!

Manila, Philippines – Nitong January 28 nang lumagda ang Kapuso at Kapamilya sa kontrata kung saan sa huli mapapanood ang Pinoy Big Brother Collab Celebrity Edition.

Sa mga hosts nito, si Gabbi Garcia ang kinatawan ng Kapuso.

Samantala, representing the Kapamilya network are Bianca Gonzales and Robi Domingo.

As far as Gabbi is concerned, tinanong siya kung sino sa mga fellow Kapuso ang gusto niyang makapasok sa bahay ni Kuya.

“I like Barbie Forteza!” walang kagatul-gatol na sagot ni Gabbi.

When asked kung bakit, aniya: “I think people want to see Barbie on a deeper level!”

Paano naman kung ang nobyo niyang si Khalil Ramos ang maging bahagi ng PBB.

Hati ang damdamin ni Gabbi ukol dito.

It’s all up to Kuya kung ipapasok daw nito ang aktor.

Nonetheless, nagbigay si Gabbi ng payo sa nobyo: “He’s introverted kasi, eh. I think he has to get along with the other PBB housemates!”

Diskumpyado si Gabbi sa dyowa…? Ronnie Carrasco III