Manila, Philippines – Maraming mga showbiz couples ang nauuwi ang relasyon sa hiwalayan kapag pumasok na ang insecurity.
Nangyayari ito kung mas sikat o mas maraming raket si boy o si girl sa kanyang partner.
Isang factor din na nagiging rason ng hiwalayan ay ang usapin ng prayoridad o kawalan ng panahon ng mas sikat o in demand sa napag-iiwanan.
Sa kaso nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, inamin nila na nagwo-work ang almost eight years nilang relasyon dahil sa respeto nila at pagmamahal sa isa’t-isa.
Gaano man kaabala, they almost make it a point to spend time with each other.
Ayon naman kay Khalil, sobrang suportado nila ang isa’t-isa.
Ito ay kahit polar opposites ang kanilang mga personalidad with Gabbi being an extrovert samantalang siya naman ay introvert.
Sa kabila nito, nako-complement daw naman ang kanilang mga ugali.
Sey pa niya, malaking bagay din daw na hindi sila naging loveteam.
Sa katunayan, nagki-cringe daw sila tuwing nagkakatrabaho sila sa isang project.
Eventually, naging beneficial daw naman ang career move na ito para sa kanila dahil lalo pa silang nakakapag-explore at namamayagpag sa kanilang indibidwal na mga larangan.
Hirit pa ni Khalil, wala raw siyang insecurity kay Gabbi kung mas in demand ito sa paglabas sa mga teleserye at kahit sa hosting.
Aminado naman si Gabbi na si Khalil na ang kanyang endgame.
Two years after na magkakilala sila ay napagtanto na raw niya na ito na ang partner na hinahanap niya at gustong makatuluyan.
Proud din siya sa pagiging responsable nito at pagkakaroon ng mature disposition.
Sinabi rin niyang hindi siya iyong tipong ang iniisip ay short term relationships o flings.
Inamin naman ng Kapuso actress na siya ang selosa sa kanilang dalawa ni Khalil.
Gayunpaman, iyong pagseselos daw niya ay nasa tamang lugar lang.
Pagdating naman kay Khalil, medyo napapaisip daw siya minsan dahil chill lang ito at di niya nakitaan na nagselos sa kanya. Archie Liao