Home ENTERTAINMENT Gabby, naaksidente sa taping!

Gabby, naaksidente sa taping!

Manila, Philippines- Four stitches.

Ito ang kinailangang isagawa kay Gabby Eigenmann na napuruhan sa bandang noo at kilay dahil sa isang aksidente.

Nangyari ang aksidente sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Ang siste, nadulas at tumama ang espada ng kaeksenang female warrior sa mukha ng aktor.

Ang gusto sanang mangyari ni Gabby ay tapalan na lang ang sugat.

Pero hindi ito umubra as he sustained a gaping wound.

He had to be brought to a hospital for suture.

Hindi naman makuhang magalit ni Gabby sa kanyang co-actor dahil pagod na rin daw ito.

Besides, aware ang aktor that accidents happen lalo pa’t pag may fight scenes.

To make amends, the next day nang sumipot uli siya sa taping ay may dalang pagkain ang nakatama sa kanya.

Mismong ang executive producer na ng fantaserye ang nagsabing uso raw talaga ang mga aksidente kahit noon pa. Ronnie Carrasco III