Home NATIONWIDE PCG sa 127th Independence Day ng Pinas: Kabayanihan sa WPS kilalanin

PCG sa 127th Independence Day ng Pinas: Kabayanihan sa WPS kilalanin

MANILA, Philippines- Hinimok ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang pagbubuwis ng buhay ng mga bayani na ipinaglalaban ang kasarinlan at karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay PCG spokesperson to the WPS Commodore Jay Tarriela, ang paghihimagsik at pagtindig laban sa pang-aapi ng mga dayuhan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kalayaan sa mga karagatan, kalangitan at kalupaaan na bumubuo sa bansang Pilipinas.

Ang mensahe ni Tarriela ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Sinabi ni Tarriela na dapat alalahanin na kahit gaano man kalayo ang WPS ay bahagi pa rin ng bansang ipinaglalaban ng mga ninuno ng mga Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden