Home HOME BANNER STORY Gabriela sa Korte Suprema: Parusahan si Sia!

Gabriela sa Korte Suprema: Parusahan si Sia!

MANILA, Philippines – Dapat patawan ng parusa ng Supreme Court (SC) ang abugadong tumatakbo sa Pasig bilang kongresista na si
Chistian Sia dahil sa pinakawalan nitong masamang biro sa mga babaeng solo parent.

Sa isinumiteng liham ng grupong Gabriela sa SC, hiniling nila kay Chief Justice Alexander Gesmundo na paimbestigahan si Sia dahil sa mga binigkas nito sa isang campaign rally ukol sa pakikipagtalik sa mga babaeng solo parent.

Ayon sa Gabriela, ang asal at pananalita ni
Sia na isang abugado, ay puno ng kabastusan laban sa kababaihan.

Nanawagan ang Gabriela na patawan ng kaukulang parusa si Sia.

“It is in this regard that we are writing this Honorable Court to respectfully look into the incident involving Atty. Sia and to act on the matter by imposing any disciplinary action as the Honorable Court may deem fit and proper,” anang Gabriela.

Ang Korte Suprema ay “moto propio” o maaaring kusa na magsagawa ng imbestigasyon laban sa isang miyembro ng hudikatura.

Hindi anila sapat ang ginawa ni Sia na humingi mg paumanhin sa kanyang mga sinabi.

Iginiit ng Gabriela na ang naging aksyon ni Sia, bilang miyembro ng hudikatura, ay mistulang pagmamaliit at pagpapawalang saysay sa mga naging hakbang ng Supreme Court na mapanatili ang tiwala at kredibilidad nito. TERESA TAVARES