MANILA, Philippines – Inatasan ng Supreme Court sina Presidential Adviser for Poverty Alleviation Lorenzo G. Gadon, Rep. Percival V. Cendaña, at Richard J. Heydarian na sagutin ang petisyong humihiling na maparusahan sila ng korte.
Binigyan ng Korte Suprema sina Gadon, Cendaña, at Heydarian ng 10 araw para magkomento sa mga petition for indirect contempt laban sa kanila.
Inihain ang mga petisyon kaugnay ng kanilang mga pahayag laban sa desisyon ng Korte Suprema na nagsantabi sa impeachment complaint laban kay Vice President Duterte.
Una nang sinabi ni Cendaña na mga “coddler” o nagkakanlong ng mga tiwali ang Korte Suprema. Nag-post naman si Heydarian sa social media na hindi maituturing na independent ang mataas na hukuman dahil pawang mga naitalaga sila sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT