MANILA, Philippines – Isang 35-anyos na turistang Pilipino ang nasawi sa Hong Kong noong Agosto 5 matapos masagasaan ng taxi sa Tsuen Wan West, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Arestado ang 80-anyos na tsuper na sinabing nahilo siya bago ang aksidente.
Kasalukuyang nasa Kwai Chung Public Mortuary ang mga labi ng biktima.
Tumutulong ang Konsulado ng Pilipinas sa pamilya ng biktima at nakikipag-ugnayan sa awtoridad ng Hong Kong habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT