MANILA, Philippines – HINDI kukunsintihin at papayagan ng gobyerno ang mga incumbent government officials na gamitin ang state resources sa panahon ng 2025 midterm elections.
“There are no sacred cows in this government. Anyone and everyone who is guilty will be met with the same force of the law,” ang tugon ni Local Government Secretary Jonvic Remulla matapos hingan ng reaksyon ukol sa naging babala ng Legal Network for Truthful Elections’ (LENTE) sa di umano’y pang-aabuso na maaaring gawin ng mga public officials na mayroong access sa mga government facility at resources para sa kanilang personal na pangangampanya.
Pinayuhan din ng Kalihim ang mga kinauukulang indibiduwal na maghain ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) laban sa mga abusadong government official.
“[Concerned individuals] can always file a complaint with the Comelec. Titingnan kung may violation. Pero ang safeguard talaga niyan, dapat sa Comelec,” aniya pa rin.
Sa ulat, nakamonitor ang LENTE sa maaaring gawin na pang-aabuso sa state resources ng mga incumbent political parties at mga kandidato sa Pilipinas.
Kabilang sa pang-aabuso ay ang maling paggamit ng government resources, maging ito man ay materyal, human, coercive, regulatory, budgetary, media-related o legislative, para sa electoral advantage.
Tiniyak pa rin ng Kalihim sa publiko na “very strict” ang gobyerno pagdating sa pagpapatupad ng election ban.
Ang midterm election ay nakatakda sa May 12, 2025.
Sa ilalim ng Resolution 10999 na ipinalabas ng Comelec en banc noong buwan ng Mayo ngayong taon, ang election period ay mula Jan. 12 hanggang June 11, 2025.
Ang 90-day campaign period para sa mga senador at party-lists ay magsisimula sa Feb. 11 hanggang May 10, 2025 habang ang 45-day campaign period para sa local candidates ay tatakbo naman mula March 28 hanggang May 10, 2025. Kris Jose