California, USA – Sa October 27 pa ang reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Amerika.
Ito’y gaganapin sa Saban Theatre sa Beverly Hills.
Ayon sa source ni Ogie Diaz mula mismo sa US, mahina raw ang galawan ng bentahan ng tickets–ito ang pinaksa sa latest episode ng kanilang Ichika Mo Na Dali! online show.
Ang pinakamahal na ticket daw is priced at US$350.
Nitong mga nakaraang araw, taas-baba ang rate ng peso against the dollar.
Kung tutuusin, mahal na ang nasabing ticket price given the conversion.
Pero dahil sa October 27 pa naman ang show ay umaasa ang kampo ni Ogie na magpi-peak up ang ticket sales ng Sharon-Gabby concert.
Ikinumpara nga nila ito sa ibang mga shows featuring our local artists na meron ding mga gigs sa US.
It turned out na ‘yung Sha-Gab concert ang pinakamahal.
Samantala, ang gaganaping reunion concert ng Rivermaya sa US din ay maganda ang bentahan ng mga tickets.
The same goes for Vice Ganda’s show.
Samantala, marami ang nalungkot sa US tour ng mga Sparkle artists led by Alden Richards, Ai Ai de las Alas, Julie San Jose, Rayver Cruz, Boobay at iba pa.
Kinabog daw kasi ito ng ASAP kung saan kasamang nag-perform ang all-girl group na Bini. Ronnie Carrasco III