MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang organisasyong POLPHIL, ang Political Officers League of the Philippines, isang organisasyon ng mga dating aktibista, development worker at sectoral leaders sa FPJ Panday Bayanihan Partylist, isang political partylist upang maitatag at maisulong ang pagbabagong politikal sa bansa.
Ayon kay Rico Cajife, PolPhil-Sogod Southern Leyte province na sinabi nito na nagpahayag ang kanilang grupo ng suporta sa FPJ Panday kasabay ng mga kinakaharap na problema ng maralitang Pilipino.
Sa isang press conference, sinabi pa ni Cajife na nais nilang isulong ang pampolitikang grupo at pulitikal na hindi nakabatay sa guns, goons at gold at dahil sa kawalan pagbabago sa sistema ng pulitika sa bansa na matapos ang eleksyon ay hindi na natutugunan ang batayang problema ng sektor ng ating Lipunan particular na ang mga mahihirap.
“Patuloy ang kinakaharap na sitwasyon ng kanilang mga kalalawigan matapos ang bagyong Odeth at Yolanda, at ang korapsyon dahil sa palpak na pamamalakad ng mga namumuno sa gobyerno,” ayon kay Cajife.
Sinabi pa ng PolPhil, na itinatag ang kanilang organisasyon sa layuning mag-ambag ng pambasang kaunlaran sa pamamagitan ng makabuluhang pagkikipag-ugnayan pulitikal na naghahanga ng pag-unlad at pagbabago sa pangunguna ng mga Kabataang lider na maaaring gumawa ng pagbabago na magsusulong ng pag-unlad at pagbabago.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Alvin Acebuche youth at student leader ng PolPhil, patuloy pa rin ang paghahanap ng hustisya ng mga biktima ng war on drugs nang nakalipas na administrasyon na magpasangayon ay wala pa rin hustisya.
“Wala pa rin hustisya ang mga biktima ng madugong giyera ng drug war na karamihan ay mga Kabataan,” ayon kay Acebuche.
Nakiisa rin ang mga grupo ng solo parent at iba pang sektor sa naturang okasyon sa pangunguna ng mga solo parent mula sa Quezon City na humihiling din ng pagbibigay pagbabago para sa mga solo parent na mga kananayan.
Sinabi pa ni Cajipe, bilang pambungad sa darating na 2025 Midterm election, hinahangad nila na magkaraon ng alyansa at ideklara ang kanilang suporta sa FPJ Panday Bayanihan Partylist. Santi Celario