Home METRO Galunggong sa Cavite, lumiliwanag!

Galunggong sa Cavite, lumiliwanag!

141
0

MANILA, Philippines — Nagulat ang isang babae sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong magliwanag sa dilim ang galunggong na binili niya sa palengke, na ayon sa isang marine biologist ay maaaring dulot ng bioluminescent bacteria.

Ayon sa babae na napansin niyang may blue-green na mga spot na umiilaw habang nililinis ang isda. Sa kabila nito, niluto pa rin umano niya ang galunggong pero hindi na ito kinain.

Sa paliwanag ni marine biologist Glennville Castrence sa interbyu ng GMA News, posibleng sanhi ng pagliwanag ang bioluminescent bacteria, mga organismong may kakayahang maglabas ng “cold light” at natural na matatagpuan sa karagatan. Ipinaliwanag niya na ang liwanag ay dulot ng reaksyon ng dalawang kemikal na luciferin at luciferase.

“Symbiotic sila or nag-a-attach sila doon sa mga isda at doon sila nag-mu-multiply lalo na sa skin, sa gills at sa katawan. Base doon sa footage, it is very strongly indicative na ‘yung nakikita natin doon is ‘yung tinatawag natin na Photobacterium phosphoreum. Mas nakikita na natin sila lalo na sa dark na area,” aniya.

Bagama’t wala umanong ulat na nakapipinsala sa tao ang pagkain ng isdang may bioluminescent bacteria, pinaalalahanan ni Castrence ang publiko na tiyaking sariwa ang isda.

“Wala namang report na nagkakaroon ng harmful effect siya sa humans pag nakain. Sa rule of thumb lang, ‘pag medyo doubtful na tayo dun sa freshness ng isda, pwede na natin huwag ipilit o i-discard na natin kaysa magkaroon pa tayo ng mga hindi magandang karanasan,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here