Home NATIONWIDE Gamot sa cancer, hypertension swak sa VAT-exempted drugs

Gamot sa cancer, hypertension swak sa VAT-exempted drugs

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nabigyan ng exemption mula sa 12% value-added tax (VAT) ang karagdagang listahan ng 20 gamot, kabilang ang mga gamot sa cancer at hypertension.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., naglabas ito ng memorandum na maglilibre sa VAT ng 12 gamot para sa cancer, apat para sa hypertension, at apat para sa sakit sa pag-iisip.

Ang naturang hakbang ay inendorso ng Food and Drug Administration ng Department of Health sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law at ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.

Nabatid na ang bagong listahang ito ay idaragdag sa 21 na gamot na na-exempt sa VAT noong unang bahagi ng taong ito, na karamihan sa mga ito ay mga gamot para sa diabetes at hypertension.

“The VAT exemption of these medicines for Cancer, Hypertension, and Mental Illness is a step towards a healthier country. The BIR shares the noble intention behind more affordable medicines for the public,” ani Lumagui.

“Mas murang gamot para sa lahat ang handog ng Bagong BIR sa Bagong Pilipinas. Maaasahan po ng ating mga kababayan ang tulong ng BIR,” dagdag pa ng opisyal. JAY Reyes

Previous articleImelda nasa maayos na kalagayan na
Next article4 senador natira sa 5 kumontra sa arrest warrant vs Quiboloy; JV umatras